pansinin. adjective yan. na pag naglalakad ka sa daan e walang hindi titingin sayo mula paa hanggang kuto ng ulo mo. parang ganto.
~ una, isa kang bakla na may kapang kulay pula at nakalipstick ka na "care lauder 7million point 43" na kunyari ay kulay pula na parang bayolet. at ang suot ng bakla ay green na may malaking butas sa likod na sing laki ng mga manhole sa Maynila. ang bakla ay may anim na dalang paperbag na may mga hindi ganun kabigating tatak. PANSININ NUMBER ONE!
~ pangalawa, isang tomboy na may kasamang pitong sanggol. yan palang, pansinin na. ok na? sige, dagdag pa. may dala itong dalawang alikansya at dadalin ang pitong sanggol sa jollidoo(resto yan. walang mangengealam!) PANSININ NUMBER 2!
~ ikatlo, lalaking may kulangot. bang! pinoy na pinoy ba?
~ ikaapat, ang mga teenagers na papampam na nagtetext habang naghihintay at may inis effect pa! nu ba yun? tapos ang hinihintay lang pala ay lalakeng toooott. PANSININ NUMBER 4!
~ isang malaking mama na may dalang napkin.
~ lalaking sobra ang kagwapuhan. (kung maputi, bakla. pasenxa na.)
~ mga beggars. ewan ko. hndi ako tulad ng mga walang awa na hndi nababagabag sa mga namamalimos. Hindi ako mapagbigay sakanila, pero parang may kabog dito e kung hndi ko man lang tignan yung mga tumutulong sipon sa mga ilong(minsan, dalawang butas pa yan. thank you sa mga nanay nila!), di ko matiis na tumingin sa mga paang may mga pagkalinislinis na kuko na medjo hawig sa mga buto ng pakwan. para sa akin, may eport man sila o wala, pansinin sila.
~ may kapansanan. wala akong magagawa. Gusto ko mang i-donate ang aking mga parte e hindi ko gagawin yun! Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na normal ang buong pamilya pagdating rito.
Nakaupo ako sa isang nakaumbok na simento sa school(kung saan ang buong section namin ay umuupo), may dumaang tricycle, nagtaka ako. "anu ba yun, adik. tricycle sa school." ok lang. e madalas nga dun yung sasakyan namin e pati rin yung mga sasakyan ng mga guro. panglito ko lang yung sinabi ko. pagka pansin ko sa tricycle na yun, mas napansin ko ang mga tawa ng mga kaklasi ko nang makita nila yung isinasakay sa tricycl na yun. isang may disease(sa tingin ko, disease. hula lang, tsong.), nagtataka ako bat sila tumatawa na parang tanga lang na nakaupo sa may Edsa. (tanga yun kasi umupo sa highway e.) tinanong ko kung bakit siya tumatawa, "oi oi, lalakeng (mukhang kulangot na nahulog sa kanal. di ko sinabi yan.). bat ka tumatawa?" e ang sagot e.. "wala lang. bat ganyan ka makatingin? parang nakakita ka ng kulangot." natawa yung butas ng pwet ko, anak ng alkohol, nabaybs na mukha nga siyang kulangot! the end.
~ ako. wala akong rason sa sarili kung bakit ako pansinin. Sabi ng mga kaibigan ko, Maganda lang talaga ako. Sabi ng nanay ko, Maganda lang talaga ako. sabi ng mga aso sa amin, Maganda lang talaga ako. EWAN! di ko nga maintindihan e. Sobra ba? hahaha. joke. walang halong kakapalan dapat ang mga posts ko. errr!
~ mga dumudura sa kalye. may kamag-anak ako na ganyan. Minsan gusto ko nalang siyang bigyan ng tabo, para ipunin nalang niya dun at ibaon sa lupa (treasure ba.). ewan. di ko talaga maintindihan kung bakit pati yung teacher ko nung second year na sobrang ganda ng buhok e dumudura sa kalye. anu ba yun? dinidiligan ang kalye? kabaliwan. Nagkakasakit yung iba dahil dun e. mga pinoy nga naman o!
~ mga bakla ulit. ayon sa isang blog ng isang kaklase ng kuya ko, "try it so you can answer it by yourself,there are things that you can never put into words, and these things can only be explained by experiencing it." -- nico villanueva ata ang pangalan nun. Sa totoo lang, di ko maintindihan ang mga baklang yan. e bat parami ng parami. at kung maeexperienc ko, dun ko lamang siguro maiintindihan. Sabi nung isang gay celebrity. "It's not a choice. It's a feeling" nubayun! sabi naman ng kuya ko, "Choice da namu ita e." (translation: Choice nalang nila yun.) ewan! di ko maintindihan. Basta ang mga overacting na bakla e pansinin para saakin.
~ social climber. yan, isa pa yan. e yung mga nagsusuot ng mga relong malaki na mukhang profile sa friendster sa sobrang makulay. gumagamit ng mga bag na mayroon ang lahat ng mga tao sa buong mundo. Gets nio na yan. Ok na!
~ makabayan. Last na to. masaya ang mag-idolize ng mga pinoy sa dugo, pagsasalita, prinsipyo, at etc. para sakin, None beats the Filipino. Pride to. Ewan. basta masaya ako at Pinoy ako. Pinoy ako. Minsan ang pangungulangot at pagdikit nito sa pader na parang gumagawa ka lang ng scrap book e nakakaenjoy panuorin kasi halatang pinoy ka. isa pa yung pagpitik mo nito sa isang kaaway. atleast di ka nakakasakit. haha. joke lang aa. :) mahal ko ang Pinas, ang talento ng Pilipino, ang Pagabuwis ng mga buhay ng mga bayani natin para sa kalayaan ng Pilipinas, ang kagandahan ng mga Yaman at mga lugar saatin, ang mga kagandahan ng mga mukha ng Pinoy, at lahat! pansinin tayo, mga Pinoy. (kulang lang talaga, Disiplina. ayon narin sa kuya ko.Ü)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment