hi. masaya siguro ang magpost sa blog gamit ang sariling lenggwahe no? ok, para maumpisahan ko na. eto na. as in. oo, eto na. :D
dati, nung una ko siyang makita sa isang christmas party, di ko naman talaga siya kaagad nagustuhan. crush ko lang siya nun. pero oo, inaamin ko, nagustuhan ko kaagad appeal niya kahit di siya ganun kagwapo. oo, solid. ang porma at obvoius na obvious na galante. masaya no? haha. bakit galante? e kasi, fifty pesos lang ang pinagusapang worth ng regalo na ibibigay para sa exchange gift, bakit mga 200-300 pesos ang binili niya? at ang pinaka masaya, ako ang makatatanggap nito! absent ako nung bunutan e. kaya wala akong nabalitaang nakabunot saakin. feeling ko, pinagkait talaga na itago saakin!
ano bang trip ko at knikwento ko siya sainyo? osige, ituloy pa. itago nalang natin siya sa pangalang "shin". para sabihin ko sa inyo, pede niyong pagbalibaligtarin yan para maging malapit sa pangalan niya, pero sure akong di niyo magegets, pare. hahaha. sige, tuluy ko na. paano nga pala ako napunta sa christmas party na yun? ok, sumali ako sa isang contest ng kagandahan at concern sa nature. sa kapaligiran. sa mundo. masaya naman ako dun dahil feeling ko, may talent naman ako at may bagay na tinatawag na "panama"! haha. ok, di ako makapal pero nagsasabi ako ng totoo. yun nga lang, may kasamang pera dahil kailangang magbenta ng tickets na nagkakahalagang dalawang piso bawat isa. lahat lahat, kaylangan mong magbenta ng worth 2,000 pesos para di ka matanggal dahil ang iba rin ay nagbebenta nun! hndi to kotong no! may tiwala ako sa mga officers, gagamitin ito para sa mismong contest! :D ayun matapos ng ilang eliminations, natanggal din ako. :) okay lang dahil alam kong di dahil sa talent kaya ako natanggal, dahil lang naman to sa mga tickets na yun. okay na yun. atleast may popularity na. haha, joke lang! :)) sa mga panahong yun, matagal din akong umiyak. ilang oras din yun sa shoulders ni ira na parang ate ko sa buung grupo na kasali rin sa contest. pagkasakay ko sa sasakyan nina karla na bestfriend ko, na maghahatid din sakin sa bahay. ay nakalimutan ko! habang nasa sasakyan ako, nakita kong may natanggap akong text. di nakaregister. siyempre, susunod na dun ang tanong kong, "who's this?ü". oo, siya na nga yun, si shin na yun. cinongratulate niya ko dahil malayu layo nadin ang narating ko sa contest, kasunod pa sa conversation ang pagpuri niya sa boses ko. masaya siyang katext. nakakatawa at nakakatuwa din. at di nagtagal, naturn on din naman ang pagkakaroon ko ng crush sakanya. ikaw ba nman ang itext ng isang tao na lahat nalang ng gusto mo sa isang lalake ay nasa kanya? musically inclined, magaling sa drums, guitar, bass, at marunong pang magdrive. yuun nga lang, di niya nakuha yung talent na pinakagusto ko, ang kumakanta. yun kasi ang dream ko. kantahan ako ng taong gusto ko.lingid sa kaalaman ko na gusto niya ko. sa swerte ko, noong auditions palang sinusubaybayan na niya ko. mula rin sakanya, iba raw ako sa mga babaeng nakikita at minamahal niya. iba. basta, di niya maeexplain pero may nagsseparate saakin sa ibang mga babae. ang sweet no? para lang masabi ko sainyo, gusto niya akong tawagan lagi sa cellphone. kaso, ayoko. wala lang, nahihiya lang ako sakanya. :D okay na okay na ang lahat. gusto niya ko at gusto ko siya kahit di niya alam. pero, di ko din pala alam na may pinararamdaman din siya na espesyal na feelings ang isang babae na kaibigan ko. at alam naman ni shin yun na kaibigan ko yun. nahuli ko na! at alam din nung kaibigan ko na yun na nakikipaglokohan si shin saming dalawa. at eto ang script ko na nagpatunaw sakanya at magsabi ng sorry ng maraming maraming beses "hoy, gusto mko? oo? alam mo, sa lahat ng ayaw ko ay ang niloloko. ayokong pinapaikot. kung gusto mo si (pangalan ng kaibigan ko) ok! pero wag mo kong idamay sa laro mo. ayoko ng lalake dahil sayo, mula ngayon. inaamin ko, gusto kita. nagulat ka? oo gusto kita. pero ngayon parang mawawala nato. sira ulo ka e! di ka man lang ba kinonsensya nung naisip mo yuun? pinaniwala pa ako. nadoble ka rito pare. SINUNGALING KA. oo, sinungaling ka ng solid! manloloko kapa. grabe. walang sasahol sayo, alam mo? ang sarap mong sapukin. pabugbog kaya kita sa kuya ko? kung malalaman lang niya to, humanda ka." sumagot siya. tapos nagsorry. "anung magagawa ng sorry mo? nangyari na. sira ulo!" nagsorry ulit. tapos sabi niya, di niya sinasadya at di niya inakalang mangyayari to. "di sinasadya? nagiisip kaba? di ba ikaw yung nagiisip ng ginagawa mo? pasalamat ka, di ako nagmumura. kundi baka inulan na tayo ng mura dito." sabi niya, sorry. pinapasabi niya lahat ng gusto kong sabihin para daw mawala galit ko sakanya. "sige. sabi mo eh. ayaw mo nang sinasampal sa harap ng maraming tao dba? ginawa ng ex mo yun. sinabi mo saakin. yun. gusto kitang sampalin sa harap ng maraming tao at ipangalandakan na sinungaling at manloloko ka, sira ulo." pansin na galit ako. pero kalmado at paawa na siya. obvious naman. tumigil nako sa mga harsh words ko. nasabi ko na lahat e. okay na. at hinayaan ko siyang magsalita. "sorry, jhonice. wag na sana tong makakarating sa kuya (pinsan niya na kaclose ko. medjo.)". "oo, sige. wag ka munang magpaparamdam o magtext man lang. ayaw kitang maalala at ang kagag*han na ginawa mo." after nun, wala na.. tapos na kami eh. pag nakikita ko siya, di ko na siya kilala. nagka girlfriend naman siya. at feeling ko, kawawa yung babae. isang biktima nanaman. masaya naman ata sila eh. okay. pakealam ko. wahahaha.
ilang years din, kahit na may contact kami sa isa't isa, wala na akong naffeel, naging friends kamee. pero di yung tipo na masaya ako dahil kaybigan ko siya. hindi no. basta alam ko, okay kami.
one year na, ggraduate nako, two months nalang. pero last year pa siya gumraduate bago ko. nagtest ako sa mga good schools sa manila. pumasa ako sa school na pinapangarap ko kung nasaan siya pero di ko pinapangarap yun dahil nandoon siya. maganda lang talaga ang school na yun at andun ang course na gusto kong kunin. naging close friends kami. dahil araw araw ulit kaming nagttexttext. okay kami. siya pa nga tuming in sa mga results ko sa school na yun kahit wala siyang klase noong mga panahong iyon. ang sweet. nagkakausap kami ulit dahil tumatawag siya ulit. araw araw, paulit ulit, siya ang katext ko. at tama ang nasa isip niyo. bumalik feelings ko sa taong dating tinatawag kong sira ulo. haha. masaya ako pag katext ko siya at lalo na pag nagbibigay siya ng information mula sa school na yun. naaalala pa nga namin nung binigyan niya ko ng regalo nung christmas party at nung ginag* niya ko. naging parte naman daw ng buhay ko yun bakit ko ipagkakaila na nangyari nga yun? natatawa pa ko pag nagseserious kami kapag pinaguusapan ang course na kukunin ko kapag nagaral ako sa school niya at minsan kapag napagtatalunan namin yung kung gaano karami dapat ang itetx na words dahil lang mas marami ang tntext ng isa. hahaha.
ilang weeks lang, nanlamig ako at siya. pero mas siya. namiss ko siya. ewan ko kung bakit. dahil ba nakakatawa siya at ang tawa niya? dahil ba nakakatuwang paglaruan yung boses niyang parang bading? dahil ba nasa kanya ang gusto ko sa isang lalake? aynaku, basta. miss ko siya. kahit di niya alam. tnetext parin niya ko. pero di na nagtatagal. ewan, di ako importante. malamang may gusto siya ngayon kahit na naglolokohan kami na mag-aaply akong maging girlfriend niya na inapela niya. kahit wala naman akong sinabi na gagawin ko yun. nakakatawa nga talaga siya. may sakit pala siya ngayon. di niya alam kung gaano ako nagaalala at nagppray na sana gumaling ni siya. nakakamiss yung kabaliwan niya. friends lang naman kami a. kaso, mukhang nagbabalik yung feelings ko para sakanya. mahal ko na nga kaya siya ulit? is love sweeter the second time around?